2 days after he left.
kamusta na ko?
di na ko naiiyak which is a good sign. nag-message sya kanina, "r u happy?". di ko sinagot. idle ako nung nagmessage sya, sasagutin ko na sana pero nag-offline sya. di ko alam kung bakit nya un tinanong, gusto ko sanang sabihin "are you?".
alam ko na once nagkausap na naman kami, yari na naman ako. may mararamdaman na naman tapos iiyak pagkatapos. parang tanga lang.
alam ko naman na di nya ko pipiliin unless may sabihin ako sa kanya pero wala syang maririnig sakin. wala akong hihingin na kahit ano. bahala syang magdecide sa sarili nya. kung naguguluhan man sya, problema na nya un. naiinis kasi ko may pagka-sigurista sya. gusto nya alam nyang magiging ok kami bago nya ko piliin. pero mahirap din cguro un, kasi marami syang masasaktan, maraming iiwan if ever ako ung piliin nya.
ang sakin lang naman kung di na sya masaya sa kanya sana pagisipan naman nya ng mabuti kung itutuloy pa ung kasal. kawawa naman ung isa. sana kaya nya kong makalimutan kagad para wala ng problema. para ako rin nakakamove-on na ng maayos.
sana maging ok na lahat. gets ko na hindi ako, sya nga, sya na. sana rin tama ung maging desisyon nya. sana.
No comments:
Post a Comment