happy chinese new year! tapos na ang year of the tiger, year of the rabbit naman. di naman ako chinese at di rin naman ako gano naniniwala sa feng shui pero di naman masama na sumunod, wala naman mawawala. pero ang post kong to ay walang kinalaman sa chinese new year. nagkataon lang na chinese new year ngaun kaya ganyan ang title.
hmm..panu ko ba sisimulan to..
he left on a jet plane, don't know if he'll be back again..
oo, umalis na sya papunta sa malayo. actually di naman ganun kalayo, few hours away lang naman by plane pero ang masakit papunta na sya sa taong nagmamay-ari sa kanya.
tapos na ung landian portion. ung mga pagpapa-cute. ung kulitan tuwing tanghali pag inaantok na. tapos na. the end. hanggang dun na lang. period. no erase.
sabi ko gagawin ko ung alam kong tama, even if it kills me. at eto na nga, namamatay na ko sa sakit. ang bigat. ang hirap. ganito pala. pambihira naman kasi, nananahimik ako sa sarili kong mundo blissfully unaware of what i'm missing tapos dumating sya. parang bagyo lang, sinira nya lahat ng depensa ko. kaso di pwede talaga eh. masyadong komplikado. maraming masasaktan. ayoko ng ganun. pwede ko naman syang ipaglaban para maging sakin pero di kaya ng konsensya ko. iniisip ko pa lang parang feeling ko ang sama ko na. kung alam ko lang a magiging ganito dapat sa simula pa lang pinutol ko na.
di ko pinangarap na mapasok sa ganitong gulo. pero since andito na, walang ibang magagawa kundi harapin. ginawa ko ung sa tingin kong tama, at sana tama nga. di ko alam kung pagsisisihan ko to balang-araw pero what's done is done.
if i were in a perfect world, ung tipong walang masasaktan sinabi ko na sa kanya lahat ng nararamdaman ko. kung gano sya kahalaga. na ayaw ko syang umalis. na sana ako ung piliin nya. na sana ako na lang..
pero di pwede. di talaga pwede. ayokong mang-gulo. ayokong makasakit. di ko mapapayagan ang sarili kong gawin un.
kaya eto ko ngaun, nagtatype ng mga bagay na di ko nasabi sa kanya at malamang di na to makarating sa kanya kahit kelan. sabi nga nila, what won't kill you would only make you stronger kaya eto ko nagpapaka-strong. kahit ung totoo halos mawasak na ung loob ko sa sakit.
wala akong ibang mapagsabihan kaya dito na lang. i-vent out ko na lahat ng bigat sa loob ko para kahit pano gumaan-gaan ung dala ko.
i will be fine, di pa nga lang sa ngaun pero dadating ung araw na pagtatawanan ko tong moment na to pati tong post na to dahil masyadong madrama. til then, ganito muna. type ko na lang ung mga bagay na di ko masabi, di nagawa.
sana lang di ko to pagsisihan balang-araw. sana maging masaya sila, ung genuine happiness. ung hindi pinilit, di fake. dahil pinili kong saktan ang sarili ko para mag-give way sa plano nilang happily ever after.
sana makaya ko, tingin ko kaya ko naman kaso mejo mahirap.
everything happens for a reason. kung bakit nangyari to, di ko pa alam sa ngaun pero ayos na rin kasi kahit pano naging masaya naman ako. kahit sandali, naging part sya ng buhay ko. he touched my life in a very special way.
sya lang nakagawa nun.
salamat sayo. nakaramdam ako ng ganito. masakit pero ayos na kong makitang masaya ka, just please don't rub it too much baka kasi di ko kayanin.
kung san man ako mapupunta, kung anong susunod na kabanata, tingnan na lang natin. ipinagdadasal ko na sana makaya ko to at alam kong di Nya ko papabayaan.
No comments:
Post a Comment