Monday, February 7, 2011

the aftermath: day 5

five days since he left.

first day nya sa new work nya, alam ko kasi magka-chat na naman kami kanina. ang labo lang kasi parang walang nangyari. parang di sya umalis. parang andito lang sya, few cubes away sa area ko. nangungulit pa rin. 

sa totoo lang di ko to ineexpect. kala ko kasi after nya umalis tapos na, as in the end. pero parang hindi naman. anjan pa rin sya. mas lalong nakakainis kasi pano naman ako makakalimot kung lagi pa rin syang anjan?

sandali na lang, ilang buwan na lang kasal na nya. bakit kasi di pa sya manahimik? para matahimik na rin ako. 

cguro parehas kaming di pa rin maka-let go. kasi ako, ayoko man aminin sa sarili ko, pero hindi ko pa rin sya makayang tiisin. automatic na pag nagmessage sya sasagot ako. gaya ng nakasanayan ko. nasanay na kasi kong anjan sya.

hay..ano ba tong gulong napasok ko?

No comments:

Post a Comment